Umapela ang Makabayan bloc sa Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte na suriin ng husto ang 2020 proposed P4.1-trillion national budget.
Ito ay matapos na sabihin kamakailan ni Sen. Panfilo Lacson na aabot ng hanggang P83.219 billion ang isiningit umano ng mga mambabatas sa huling minuto bago inaprubahan ng bicameral conference committee ang 2020 General Appropriations Bill (GAB).
Ayon kay deputy minority leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, kaduda-duda ang bicam report dahil karamihan ng mga proyekto katulad na lamang ng flood control ay walang detalye.
Samantala, ayon naman kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, bago niratipikahan ang bicam report sa Kamara ay wala na silang oras para basahin at i-review pa ito.
Ayon kay Castro, sana lamang ibinigay sa kanila ang kopya ng bicam report nang ratipikahan na nila ito sa plenaryo kamakailan.