Binatikos ng isang mambabatas ang plano ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na kumuha ng asylum sa the Netherlands.
Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro na hindi naman nahaharap sa political persecution si Roque para kumuha ito ng asylum.
Giit niya na nag kailangan gawin ni Roque ay umuwi at humarap sa Quad Committee at ipaliwanag ang kaniyang kaugnayan sa POGO.
Matatandaan na ipina-contempt ng quad comm si Roque matapos bigong isumite sa komite ang mga dokumento gaya ng income tax return, deed of sale at SALN para mapatunayang wala siyang koneksyon sa POGO operations.
Sinabi ni Castro na pag-aaralan ng MAKABAYAN bloc sa kamara ang mga legal na pamamaraan upang irekomenda sa The Netherlands na huwag pagbigyan ang hiling na asylum ni Roque.
Aniya kung tutuusin hindi si Roque ang biktima bagkus ay mismong mga Pilipino pa ang may dapat singilin mula sa kaniya.