Hinimok ng ilang senador ang mga opisyal ng bansa na tumutok na sa pagpapatupad ng mga proyekto at trabahong nabinbin dahil sa atrasadong pagsasabatas ng 2019 national budget.
Ayon kay Senate committee on economic affairs chairman Sen. Sherwin Gatchalian, kung natagalan pa ang pagsasabatas ng General Appropriations Act (GAA), mas malaki ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya.
“With the General Appropriations Act now enacted, the government can finally focus on catching up with the implementation of pending projects that were delayed because of the budget impasse,” pahayag ni Gatchalian.
Pinuri naman nito ang Pangulong Rodrigo Duterte sa paninindigang i-veto ang bahagi ng panukalang batas na may kuwestyon.
Para naman kay Sen. Panfilo Lacson, nakatipid ang pamahalaan dahil sa pag-veto ng presidente sa ilang bahagi ng pambansang pondo.
Sa pagtaya ni Lacson, aabot sa P19 billion na “pork commissions” ang naisalba mula sa kamay ng ilang nagsulong nito.
“It is a victory for the Filipino taxpayers… I would like to personally commend the President and his economic managers for coming up with a ‘pork-free’ national budget,” wika ni Lacson.