Napilitang magpalit ng makakalaban si dating unified junior welterweight titleholder Amir Khan sa July 12 matapos umanong magkaroon ng injury ang Indian fighter na si Neeraj Goyat.
Nakatakdang muling umakyat ng ring si Khan sa King Abdullah Sports Centre sa Jeddah, Saudi Arabia matapos na matalo sa ikaanim na round kay WBO welterweight titleholder Terence Crawford noon lamang nakalipas na buwan ng Abril.
Noong Agosto naman ng nakaraang taon si Dib (45-5, 26 KOs) ay natalo sa puntos kay Tevin Farmer para sa vacant IBF 130-pound title.
Nagretiro ito pero muling bumalik sa ring noong Abril din.
Sinasabing ang 33-anyos na Australian at dating world titleholder sa 126 pounds ay kailanman ay hindi pa lumaban sa mas mataas na junior lightweight sa loob ng kanyang 15 taon na professional career.
Hindi katulad ni Khan (33-5, 20 knockouts) na lumaban na maging sa pinakamabigat na 155 pounds.
Kaya naman asahan na raw na sa kanilang fight night ay tiyak na mas malaking tingnan ang dating British champion.