CENTRAL MINDANAO-Nagsama-sama ang mga Punong Barangay sa bayan ng Kabacan Cotabato upang suportahan ang laban ng bawat Pilipino na wakasan ang inserhensya.
Sa mensahe ni MLGOO Ranulfo Martin, nagpasalamat ito sa bawat resolusyon ng mga barangay na idiklarang persona non grata ang mga makakaliwang grupo kagaya ng New Peoples Army (NPA),Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ibang mga Armed Lawless Groups (ALGs).
Nagpasalamat din si 90th Infantry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lieutenant Colonel Rommel Mundala sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Kabacan.
Ipinaabot naman ni Association of Barangay Captain President Evangeline Pascua-Guzman ang kasiguruhan na kanilang kinokondina ang mga iligal na gawain.
Samantala, muli namang hinimok ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr, ang bawat Kabakeño na makiisa na wakasan ang inserhensiya.
Nilinaw ng Alkalde na sa kooperasyon ng bawat kabakeño ay patuloy na makakamtan ang kapayapaan na pinapangarap ng bawat isa.