KORONADAL CITY – Binigyang-diin ni Justice Now Movement President Emily Lopez na may natatanggap pa rin na threat hanggang sa ngayon ang ilang kaanak ng Maguindanao massacre victims.
Ito ang ibinunyag ni Lopez sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Ayon kay Lopez, kasabay ng ika-13 taon na anibersaryo ng malagim na krimen sa kasaysayan ng bansa hindi maikakailang hindi pa lubos na nakukuha ng 58 biktima ang lubos na hustisya.
Dagdag pa ni Lopez, nito lang linggo nang makatanggap umano ng pananakot ang kaanak ng ilang mga biktima. Aminado si Lopez na marami pang mga at large ang malaya at hindi pa nakukulong sa ngayon.
Kasabay nito, nanawagan si Lopez sa Marcos administration na sana ay tulungan silang makamit na ang “full justice” upang maging payapa at panatag na rin sila.
Napag-alaman na noong Linggo una nang bumisita sa massacre site ang ilang mga kaanak ng biktima kung saan nag-alay sila ng misa, mga bulaklak at nagsindi ng kandila doon.
Kapansin-pansin din umano na halos napabayaan na ang lugar dahil sa halos mag-3 taon din silang di nakapunta dahil sa pandemic.
Bukas sa araw mismo ng anibersaryo ay may gagawing aktibidad sa Forest Lake Cemetery sa General Santos City habang ang iba gaya ng pamila
Mangudadatu ay babalik sa massacre site sa Sitio Masalay Ampatuan, Maguindanao.
Samantala, nanawagan din ang si Jhanchienne Maravilla, anak ni former chief of reporter Bombo Bart Maravilla, na tulungan silang makamit na ang matagal nang inaasam na hustisya para sa kanilang ama.