-- Advertisements --

Itinuturing na makasaysayan ang isinagawang selebrasyon ng misa kanina sa Marawi City na siyang kauna-unahan simula nang sakupin ng teroristang Maute ang siyudad.

Itinaon ang misa dahil pista ni St. Therese na isa sa mga patron saints ng militar.

Ayon kay Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, nasa 300 mga sundalo ang dumalo sa nasabing misa na pinangunahan ng mga matataas na opisyal ng militar.

Sinabi ni Brawner na wala namang ibig sabihin ang pagdaraos ng misa kanina.

Aniya, kanilang ipinalangin na maging ligtas ang mga sundalo.

Ginugunita rin ng mga sundalo ang 4th year anniversary  sa pag-liberate ng Zamboanga mula sa mga rebeldeng MNLF naghasik ng karahasan.

Nilinaw din ni Brawner na wala pa ring indikasyon na tapos na ang giyera sa Marawi pero naniniwala ito na hindi magtatagal balik na sa normal ang sitwasyon sa siyudad.

“Well ang sinasabi kasi natin St. Therese, feast of St. Therese kahapon, that is one of the patron saints of the military, so, parang humihingi tayo ng kwan, siguro blessings na para matapos na kaagad ito tapos sabi ni Gen. Pamonag kanina ito rin marks the 4th anniversary of the liberation of Zamboanga, basta humingi tayo ng blessesings para maging safe ang mga tropa,” wika ni Brawner.