-- Advertisements --

Magkahiwalay na inihayag ng pamahalaang lungsod ng Makati at Taguig na nag-aalok sila ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng enlisted men’s barrio o “embo” barangay.

Inihayag ng Makati City government na ang Ospital ng Makati ay mag-aalok ng libreng konsultasyon sa mga outpatient mula sa mga “embo” barangay.

Idinagdag nito na ang mga serbisyo sa laboratoryo at diagnostic ay mananatiling libre para sa mga “embo” na senior citizen na may mga valid identification card.

Inihayag din ng pamahalaang lungsod na ang mga health center nito ay magbibigay ng libreng konsultasyon sa mga “embo” residents.

Sa isang hiwalay na pahayag, inihayag ng Taguig City government na ang mga serbisyo nito sa Home Health at Doctor on Call ay magagamit na sa mga residente.

Nauna nang inihayag ng Makati ang pagsasara ng mga health center nito sa mga “embo” barangay dahil sa mga expired na lisensya para makapag-operate.

Maliban dito, inihayag din ng Makati na hindi na qualified ang mga residente ng “embo” na Yellow at Blu Card holder para sa kanilang subsidized healthcare services.

Sinabi ng pmahalaang lungsod ng Makati na ang mga utos ay bilang pagsunod sa 2021 at 2023 rulings ng Korte Suprema na nagbibigay ng hurisdiksyon sa Taguig sa 10 “embo” barangay.