-- Advertisements --

Papanatilihin na ng Makati ang pagkakaroon ng protected bike lanes.

Ito ang naging kasunduan ng Makati City government at Business for Biking Program ng Makati Business Club.

Sa nasabing kasunduan ay kanilang papanatilihin na ang protected bike lande.

Pag-aaralan din nila ang implementasyon ng iba’t-ibang desensyo sa kalsada para sa kaligtasan ng mga bikers.

Sa nasabing kasunduan ay tinitiyak nila na magiging ligtas sa lahat ang Ayala Avenue.

Plano din nilang bumuo ng technical working groups para lalong mapalawig at mapaganda ang mga bike lanes sa nasabing lugar.