-- Advertisements --
Nababahala rin ang Makati Business Club (MBC) sa pagtanggal ng gobyerno sa military agreement sa US ukol sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Sa inilabas na pahayag, naniniwala ang grupo ng mga negosyante na ang pagkalas ng Pilipinas sa VFA deal ay makakaapekto raw sa mga umiiral na security agreements.
Nakasaad din dito na dapat magkaroon ng pag-uusap ang US at Pilipinas para matanggal ang “negative factors” at mapanatili ang positibong benepisyo sa relasyon ng bansa.
Ayon pa sa MBC, sa nakaraang mga dekada kasi ay nagdala ng maraming mga investments at trabaho ang Amerika, ganon din ang naitulong sa bansa sa iba’t ibang aspeto dahil sa umiiral na magandang relasyon.