Tiniyak ni Makati City Mayor Abby Binay na ligtas at hindi basta-basta mapepeke ang kanilang mga vaccination card.
Sinabi ng alkalde na maari na itong gamitin ng mga residente nila na nabakunahan na at magtutungo sa ibang lugar.
Dagdag pa ng alkalde na mayroong kakaibang features ang nasabing vaccination card na hindi basta makokopya o madaya ito.
Ang nasabing QR code aniya ay kayang ma-scan ng mga establisyimento at medical facilities para matiyak ang vaccination status at magamit sa contact tracing.
Bukod aniya sa QR code ay mayroong holographic sticker ito na hindi basta mapepeke.
Sang-ayon ang alkade na maari ng magamit ang mga vaccinatio card bilang passport ng mga bakuna na magtutungo sa ibang lugar.
Magugunitang nagbabala ang PNP na kanilang kakasuhan ang sinumang mahuhuling mamemeke ng vaccination card.