-- Advertisements --

Tiniyak ng Makati City Government na kanilang babantayan ang lahat ng mga establishimento para maiwasan ang paglabag sa physical distancing sa ipinapatupad na health protocols na ipinapatupad bunsod ng COVID-19 pandemic.

Kasunod ito ng pagkakaaresto ng nasa 34 katao na lumabag sa health protocols sa isang bar sa Poblacion Makati.

Bukod pa aniya sa social distancing ay lumabag pa ang mga ito sa ipinapatupad na extended curfew.

Matapos na isyuhan ng Ordinance Violations receipts ay pinakawalan din ang mga naaresto na yung iba ay pawang mga dayuhan.

Magugunitang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nangyari ang pagkaaresto ng mga bar-goers dahil noong nakaraang mga buwan ay ilang katao rin ang naaresto dahil sa parehas din na paglabag.