-- Advertisements --
Nakahanda na ang lungsod ng Makati para sa gagawing pooled reversed transcription-polymerase chain reactin (RT-PCR) testing para sa COVID-19 sa darating na Agosto 15.
Sinabi ni Mayor Abby Binay, uunahin nilang isasailalim sa testing ang mga drvier ng pampasaherong jeep at mga market vendors.
Dagdag pa ng alkalde na target nila sa testing ang 10,000 na individuals.
Ang mga drivers at vendors aniya kasi ay mga malapit sa nakakapitan ng virus.
Sakaling matapos na ang mga vendors at drivers ay isusunod na nila ang iba’t-ibang mga sektors.