-- Advertisements --

May ilang mga pharmaceutical companies na ang kinakausap ng Makati city Government para sa pagbili ng COVID-19 vaccines na ituturok sa kanilang mamamayan.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na ilan sa mga kumpanya na ito ay mula sa Pfizer, Janssen at AztraZeneca.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng city government kay IATF at Vaccine czar Carlito Galvez Jr para sa pagbili ng bakuna.

Magugunitang isa ang Lungsod ng Makati sa maraming lungsod sa National Capital Region na naglaan ng P1-bilyon na pondo para sa pagpapaturok ng COVID-19 sa kaniyang mamamayan.

Umaabot na sa 286 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod na mayroong 9,495 ang gumaling na at 377 ang nasawi kung saan 10,158.