-- Advertisements --
Pinuna ni Makati City Mayor Abby Binay ang hindi pantay na pagbibigay ng mga bakuna ng national government sa iba’t-ibang Local Government Unit.
Sinabi ni ng alkalde na ang kulang na suplay ng bakuna sa isang kategorya habang labis-labis naman ang suplay ng bakuna sa kategorya na may malaking bilang.
Inihalimbawa nito na ang mga bakuna na galing sa COVAX facility ay maibibigay lamang sa A1, A2, A3 at A5.
Habang ang mga nasa A4 category aniya ay naghihintay pa lamang.
Dahil dito ay tinawag ng alkalde na mayroong over at undersupply ng bakuna.