-- Advertisements --

Epektibo sa Hulyo 14 ay maghihigpit ang lungsod ng Makati sa pag-iinom ng alak sa labas ng mga kabahayan tuwing panahon ng kalamidad o public health emergency.

Ito mismo ang laman ng City Ordinance 152 na pirmado na ni Mayor Abby Binay.

Ayon sa alkalde, na mas ligtas ang pag-inom sa loob ng bahay pero walang kasing ligtas kung hindi na iinom na ng alak.

Kabilang sa ordinansa ang pagbebenta ng alak ng mga establishimento.

Ang mga tenants at guest ng hotels, motels, appartelles at bed and breakfast o transient houses, dormitories at bed spacies ay papayagan na lamang na uminom sa kanilang kuwarto o sa loob ng tinitirahan.

Pagmumultahin ng P5,000 at pagkakakulong ang sinumang lalabag sa pangatlong pagkakataon.