Natanggap ng Makati City ang pinakamataas na rating sa ilalim ng Gawad Kalasag (Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan).
Ito na ang ikalawang sunod na taong makuha ng Makati City ang naturang parangal.
Ayon kay Makati Mayor Abigail Binay, ito ay nangangahulugan ng pagkilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa commitment ng Lungsod ng Makati na mapagbuti pa ang disaster risk reduction and management effort nito.
Ang dalawang magkasunod na taong nakuha ng naturang lunsod ang pagkilala ay nagpapakita aniya ng magandang kampanya nito para sa disaster management.
Pinasalamatan naman ni Mayor Abby ang mga residente na aniya’y bahagi ng magandang kampanya ng lungsod para sa naturang sektor.
Kasama rin dito ang tulong ng mga international organization, government agencies, civillian organizations, atbpang bahagi ng matatag na disaster risk management ng naturang lungsod.
Gaganapin naman sa December 11 ang awarding ceremony para sa 2023 Gawad Kalasag Award.