Nanguna ang lungsod ng Makati sa pinakamayamang lungsod sa bansa habang ang probinsiya naman ng Cebu ang nanguna sa pinakamayamang probinsiya sa buong Pilipinas.
Ito ay base sa inilabas na Annual Financial Report ng Commission on Audit (COA).
Base sa talaan ng COA mayroong P230 billion ang kabuuang assets ng Makati City noong 2018.
Tumaas ito ng P34 billion mula sa dating P196 billion sa taong 2017.
Itinuturing na dahil sa mga natapos na mga kalsada sa anim na barangays sa Sta. Cruz, Olympia, Valenzuela, Guadalupe Viejo, Pinagkaisahan at Pitogo ang siyang malaking tulong para sa patuloy ang paglago ng lungsod.
Nasa pangalawang puwesto naman ang Quezon City na mayroong kabuuang P87 billion, pangatlo ang Maynila na mayroong P40 billion, sinusundan ng Pasig City (P38-B), Cebu City (P33-B), Taguig City (P24-b), Caloocan City (P18.3-B) Pasay City (P18.2-B), Davao City P16.2-B) at Calamba City (P12.6-B).
Mayroong kabuuang P35-billion na assets naman ang Cebu na sinundan ng Compostela Valley na may P19 billion, sumusunod ang Batangas na mayroong P18.1 billion at Rizal province na nagtala ng P18 billion na assets.