-- Advertisements --
business ncr investors makati

Napili ang lungsod ng Makati bilang isa sa pinakaligtas na siyudad sa buong bansa.

Base sa TravelSafeAbroad.com, nakuha ng Makati City ang ika-anim na pwesto sa pinakaligtas na lungsod sa bansa.

Isa sa mga naging pamantayan nila ang mababang crime index ng lungsod na nasa 39.55%, kasunod ng Dumaguete at Iloilo City.

Inihalintulad pa ng website ang Makati City sa New York City dahil nandito ang sentro ng komersyo ng bansa.

Nagpasalamat naman ang lungsod ng Makati at ng Southern Police District para sa naturang pagkilala.