Muling nanguna ang Makati City sa listahan ng mga itinuturing na pinaka-mayamang siyudad sa Pilipinas sa nakalipas na taon.
Batay ito sa report ng Commission on Audit (COA) kung saan lumabas na nasa P230-billion ang assets ng siyudad noong 2018.
Mas mataas ito mula sa P196-billion assets ng local government unit noong 2017.
Pumangalawa naman sa listahan ang Quezon City na may P87-billion assets, habang pangatlo ang Maynila sa P40-billion asset.
Narito ang listahan ng top 10 richest cities (batay sa 2018 COA report):
Makati City – ₱230.833 billion
Quezon City – ₱87.285 billion
City of Manila – ₱40.711 billion
Pasig City – ₱38.985 billion
Cebu City – ₱33,884 billion
Taguig City – ₱24,535 billion
Caloocan City – ₱18.380 billion
Pasay City – ₱18.278 billion
Davao City – ₱16.258
Calamba City – ₱12,605
Sa hanay naman ng mga probinsya, top 1 ang Cebu City sa P36-billion assets.
Samantalang bayan ng Cainta, Rizal ang pinaka-mayamang munisipalidad sa P4-billion worth of assets.
Nanguna rin ang Makati City sa pinaka-mayamang local government units:
Makati City – ₱230.833 billion
Quezon City – ₱87.285 billion
City of Manila – ₱40.711 billion
Pasig City – ₱38.985 billion
Cebu province – ₱35,659 billion
Cebu City – ₱33,884 billion
Taguig City – ₱24,535 billion
Caloocan City – ₱18.380 billion
Pasay City – ₱18.278 billion
Batangas province – ₱18.185 billion