Ipinag-utos ni Mayor Abby Binay ang pagpapadala ng rescue teams sa Bicol Region ngayong araw upang tumulong sa isinasagawang disaster relief and rescue operations sa nasabing probinsya.
Sa nasabing disaster relief mission, dala-dala ng team ang mga makabagong pasilidad na nabili ng Makati para sa mga ganitong sitwasyon.
Kabilang na rito ang mga bangka na kayang makapasok sa mga isolated areas at iba pang sasakyan na may kargang mga pantulong sa mga nasalantang residente.
Giit ni Mayor Binay, kasama na sa kanilang naging paghahanda ang mga nasa labas ng Makati, upang matulungan ang marami sa mga ganitong sitwasyon.
“Laging handa ang Makati na tumulong sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng kalamidad,” ani Mayor Abby.
Maliban sa mga pasilidad na ipinadala, ang mga tauhang naka-deploy ay may kasanayan din sa pagtugon sa mga emergency at mabilis na pag-uulat ng mga development sa mga kaagapay nilang tanggapan.
Bago tumulak ang rescue team, nakipag-coordinate na sila sa mga lokal na pamahalaan sa mga napinsalang probinsya.