-- Advertisements --

Naghain na rin ng certificate of candidacy (COC) si Makati Mayor Mar-len Abigail Sombillo Binay-Campos o mas kilala bilang Abby Binay.

Mula sa pagiging mayor, tatakbo naman sa 2025 midterm elections si Binay bilang senador.

Ang kaniyang asawa naman na si Rep. Luis Campos ang susubok maging mayor ng syudad.

Matatandaang si Binay ay kabilang sa mga inindorso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng administration coalition.

Samantala, sinabi naman nito na walang problema sa kaniya na makatrabaho ang mga Cayetano sa Senado.

Nabatid na dati nang nagkaroon ng mga pasaring ang mga Binay at mga Cayetano dahil sa agawan ng Makati at Taguig sa “Embo barangays.”