-- Advertisements --
Wala ng naitalang COVID-19 patient ang Makati Medical Center.
Sinabi ni Medical Director Saturnino Javier na ito ang unang pagkakataon mula noong Marso 2020 na wala ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 ang naka-admit sa nasabing pagamutan.
Dahil dito ay umaasa ang medical director na tataas ang bilang ng mga pasyente na may ibang karamdaman ang magpapakonsulta na sa kanilang pagamutan.
Sa mahigit 20 buwan ay tanging mga COVID-19 patients ang kanilang nabibigyan ng atensiyon.
Noong nakaraang taon kasi ay kabilang ang nasabing pagamutan sa idineklarang full capacity matapos na lomobo ang bilang ng mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.
Noong nakaraang buwan din ay walang naitalang COVID-19 admissions ang Philippine General Hospital.