Kinilala ng Department of Finance (DOF) sa isang sa isang awarding ceremony ang Makati bilang nangungunang lungsod sa pagpapanatili ng fiscal autonomy at pagkamit ng pinakamataas na paggastos ng per capita para sa pananalapi sa taong 2022 at 2023.
Ayon sa Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng DOF, ang ratio ng local source revenues sa kabuuang kasalukuyang operating income ng Makati ay umabot sa 86.84 percent noong 2022 at 90.60 percent noong 2023.
Bukod dito, naitala ng Makati ang pinakamataas na kabuuang kasalukuyang operating expenditure per capita sa lahat ng lungsod, na may P24,050 noong 2022 at P23,995 noong 2023.
Ang mataas na ratio ay nagpapahiwatig ng high level of independence sa external sources ng lungsod, tulad ng pambansang paglalaan ng buwis at mga bahagi mula sa PEZA at PCSO.
Ipinahayag ni Makati Mayor Abby Binay nitong Huwebes ang kaniyang pasasalamat sa mga Makatizen at sa sektor ng negosyo, na sinabing ang kanilang walang tigil na suporta, tiwala, at pagtutulungan ay nag-ambag sa paglago ng ekonomiya ng lungsod.
Aniya, lubos na nagpapasalamat ang pamahalaang panlungsod sa walang patid na suporta ng business community, mga residente at iba pang stakeholder ng lungsod.
Ang tiwala at pakikipagtulungan umano ay kailangang-kailangan sa patuloy na matatag na paglago ng ekonomiya ng lungsod, na nagbibigay daan sa mas mahusay na serbisyo at benepisyo para sa lahat ng stakeholder.