Nanguna ang mga public schools sa Makati para sa national average sa taong 2023-2024 ng National Achievement Test (NAT).
Ayon sa Schools Division Office ng Makati City (DepEd Makati), ang Mean Percentage Scores (MPS) ng lungsod sa 21st Century Skills at limang pangunahing learning areas ay patuloy na nakakakuha ng maataas na grado sa National Capital Region (NCR) at ng buong bansa.
Ipinaabot ni Mayor Abigail Binay ang kanyang kasiyahan sa mga resulta, at sinabing patuloy na sundan ang mataas na grado sa NAT.
Batay pa sa pagtataya ng DepEd Makati aabot sa 69.82 ang MPS sa Problem Solving ng mga estudyante sa Makaati na mas mataas kaysa sa score ng NCR na 63.69 at ang national average na mayroon lang na 60.70.
Sa Information Literacy, nakamit ng Makati ang 70.59 na higit pa sa 61.56 ng NCR at 58.20 ng national average.
Habang sa Critical Thinking, nakamit ng Makati ang 65.13 na grado, na mas mataas kaysa sa 57.74 ng NCR at 54.80 ng national average.
Ang patuloy na tagumpay ng Makati sa lahat ng mga pangunahing learning areas ay nagpapakita ng dedikasyon ng lungsod sa paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa Lungsod.