-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Kaagad na namatay ang isang make-up artist matapos mabangga ng isang kolong-kolong o trike habang nasa malapit sa tulay sa national highway sa Rang-Ayan, City of Ilagan, Isabela.
Ang namatay ay si Jonathan Agoot, 23-anyos na taga-Malasin, Ilagan City.
Ang driver naman ng trike ay si Johnny Rosete, delivery boy, pansamantalang naninirahan sa Sta Victoria, City of Ilagan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagtungo si Agoot malapit sa tulay sa Rang-Ayan para mag-selfie ngunit nabangga siya ng trike.
Kaagad pang dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Sasampahan si Rosete ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.