BUTUAN CITY – Maglalabas ng memorandum ang Commission on Elections o COMELEC-Caraga para ipatupad ang plano ni COMELEC chairman George Erwin Garcia na maglagay ng voting precinct sa komunidad ng Socorro Bayanihan Services Inc o SBSI sa Sitio Kapihan, Brgy. Sering, bayan ng Socorro, Surigao del Norte para sa May 2025 midterm elections.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Commission on Elections o COMELEC-Caraga regional director Francisco Pobe na tinatayang nasa 3,000 ang mga rehistradong botante sa komunidad kaya naman kailangan nilang magpatayo ng kahit make-shift voting precinct lamang.
Ito ay upang hindi na babyahe pa ang mga botante sa panahon ng halalan, at nang sa gayo’y asa kumonidad na nila gagawin ang proseso ng pagboto.
Dagdag pa ni Pobe, kapag nalipat na ang mga residente sa naturang sitio habang hindi pa naisagawa ang eleksyon, boboto ang mga ito sa lugar kung saan sila ililipat, habang ang mga ililipat sa lugar na malapit pa sa Sitio Kapihan, ay boboto sa kanilang gagawing makeshift voting precinct.