MANILA – Nakatanggap ng mga makina na makakatulong sa paggawa ng “dried fish” o daing ang ilang mangingisda sa probinsya ng Quezon.
Bahagi ng Community Empowerment thru Science & Technology (CEST) Program ng Department of Science and Technology (DOST) – Regional Office Calabarzon ang inisyatibo.
Ayon kay Science Sec. Fortunato de la Pena, nagbigayng solar-powered fish dryer at vacuum packaging machine ang DOST-Calabarzon sa Pinagbudhihan Small Fisherfolks Association ng Panukulan Island.
“Which enabled them to produce assorted dried goods including dried pusit.”
Sinimulan na raw ng provincial office ang test run at trial packaging sa mga produktong nagawa ng komunidad.
“These products will be further tested, improved, and standardized through a package development test to be conducted by DOST-ITDI’s (Industrial Technology Development Institute) Packaging Technology Division.”