-- Advertisements --

CEBU – Hindi mahulogang karayom sa dami ng mga tao na nagsisiyahan sa Obelisco de Buenos Aires sa bansang Argentina matapos na nakuha ang kampeonato ng FIFA World Cup 2022.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Jat Tamabo, sinabi nitong hindi maipaliwanag na emosyon ang nangingibabaw ngayon sa Argentina kung saan ang mga tao ay nagsilabasan mula sa kanilang mga bahay, nagsisigawan habang naglalakad sa daan dala ang kanilang bandera.

Ayon kay Tamabo na una pa lang ang laro ng Argentina versus France ay punong-puno na ng ‘excitement’ kung saan nagsimula ng magsidatingan iilan tao sa Obelisco de Buenos Aires, isang tourist attraction at national historic monument ng Argentina.

Nang nagsimula na ang laro diumanoy walang makikitang tao sa labas ngunit maririnig talaga ang hiwayan sa loob ng mga buildings lalong-lalo na kung makaka-goal ang Argentina.

Maliban dito, kanselado din ang mga byahe ng kanilang mga bus at tren noong nagsimula na ang laro at diumanoy nagbubusina rin ang mga sasakyan lalong-lalo na noong nanalo na ang Argentina laban sa France.

Inihayag ni Tamabo na may planong homecoming para sa kanilang football team ngunit wala pa namang kompletong detalye ukol dito.