-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Inaasahan ng mga residente ng Lalawigan ng Suyltan Kudarat at kalapit na lugar na makakakuha ng mas mabuting serbisyo sa kalusugan sa paglulunsad ng New Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Nagpasalamat naman si SKPH chief of hospital Isaias De Peralta kay Governor Teng Mangudadatu para sa pagbibigay ng mga kagamitang pang-medikal tulad ng ultrasound,X-ray machine at mga awtomatikong kagamitan sa laboratoryo at karagdagang espesyalista sa medisina at mga doktor na maglilingkod sa mga nasasakupan.

Sinabi ni De Peralta, matapos ang blessing ceremony sa 399 bed capacity ng bagong SKPH,ang fully air-conditioned Emergency Room ay bukas na.