Tuluyan nang nagdeklara ng State of Calamity ang lungsod ng Malabon matapos ang naranasan na malawakang pagbaha sa nitong nakalipas na araw dahil sa Habagat at bagyong Carina.
Kaugnay nito ay nagsagawa ng meeting ang lokal na pamahalaan ng Malabon kahapon sa pangunguna ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at Malabon Disaster Risk Reduction and Management Council.
Nakasama nila sa pagpupulong ang ilang kawani ng LGU Malabon at tinalakay ang mga hakbang upang maayos na matugunan ang krisis sa kanilang lugar.
Ideklara ang State of Calamity sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapalabas ng MDRRMC Resolution No. 004 series of 2024.
Ito ay dahil na rin sa naging matinding pinsala ng bagyong Carina sa kanilang lungsod.
Sa naging pahayag ni Mayor Sandoval, sa ngayon, walang pa tid ang paghahatid nito ng serbisyo sa mga apektadong residente.
Patuloy rin Ang kanilang isinasagawang koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno para maihatid ang tulong at serbisyo sa mga mamamayang.
Hinimok naman ng alkalde ang publiko na maging mapag masid at umantabay sa mga anunsyo ng pamahalaan.