-- Advertisements --
Nagbigay ng maikling mensahe ang Malacanang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng kaniyang ika-80 kaarawan ngayong araw.
Sa Malacanang press briefing, kinantahan ni Palace Press Officer Claire Castro ang dating Pangulo ng maikling “happy birthday.”
Hiling din ni Castro na humaba pa ang buhay ng dating Pangulo at mapanatili ang magandang kalusugan.
Ipinagdiriwang ni Duterte ang kaniyang kaarawan sa The Hague, Netherlands kung saan siya ay nakakulong matapos maaresto nuong March 11, 2025.