Hindi umano kontento ang Malacañang sa performance ni Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, dalawang linggo na bilang drug czar si VP Robredo pero mistulang wala pa itong nagagawa at wala pang naisusumiteng rekomendasyon kung paano labanan ang iligal na droga.
Kasabay nito, dumipensa ang Malacañang sa hindi pagbibigay ng classified information kay VP Robredo kaugnay sa anti-drug war dahil duda silang baka ibigay nito sa kamay ng mga kalaban ng estado.
Ayon kay Sec. Panelo, kabilang sa mga kalaban ng estado ang mga grupo at organisasyong una ng nanghusga laban sa anti-drug war ng administrasyon.
Iginiit din ni Sec. Panelo na hindi na kailangan ni VP Robredo ang listahan ng mga high-value targets ng Philippine Drug Enforcement Agency dahil inilabas na rin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.