Bumuo ang Malacañang ng isang council para matutukan ang financial stability ng bansa.
Ito ang nilalaman ng Executive Order 144 na dapat bumuo ng Financial Stability Coordination Council (FSCC) bilang isang inter-agency council.
Pangungunahan ito ng governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang tatayo bilang chairperson.
Ilan sa mga miyembro nito ay binubuo ng finance secretary, insurance commissioner, Phlippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) president, Securities and Exchange Commission (SEC) chairman at isang senior officials mula sa nasaibng 5 member agencies na siyang tatayo bilang non-voting members.
Magiging trabaho nila ang maglabas ng direktiba at policy regulations para matiyak ang financial stability ng bansa.
Makikipag-ugnayan din ang mga ito sa foreign regulators kabilang ang public at private organizations para sa data collections na mahalaga sa pagbuo ng polisiya.