-- Advertisements --
Panelo
Presidential Spokesman Salvador Panelo

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagdedesisyon kaugnay sa electoral protest na inihain ni dating Sen. Bongbong Marcos laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo noong 2016 national elections.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ipagpaliban ng Korte Suprema sa Oktubre 15 ang botohan.

Sinabi ni Sec. Panelo, kung anuman man ang naging desisyon ng SC, si Pangulong Rodrigo Duterte ay laging nakapanig sa batas at ipinatutupad kung anuman ang nakasaad dito.

Ayon kay Panelo, hindi panghihimasukan ng Ehekutibo ang competence at otoridad ng PET.

Kailangan umano magdesisyon ang Tribunal sa kanilang sarili alinsunod sa nasasaad sa batas at sa mga nailatag na ebidensya.