-- Advertisements --

Umapela ang Malacañang sa publiko na maging alerto at maging maingat sa pagbibigay ng impormasyon kasunod sa nangyaring twin blast sa Quiapo, Manila kahapon na ikinasawi ng 2 katao habang anim ang sugatan.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abellla na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon mas mabuting maging alerto ang publiko at ipagbigay alam kaagad sa otoridad kapag may napapansin na mga kahina hinalang mga bagahe o indibidwal sa kani-kanilang paligid.

Sinabi ni Abella na kung maaari iwasan na mag pasa ng mga impormasyon na mula sa mga unverified sources dahil magsasanhi ito ng alarma at panic.

Sa ngayon inilagay sa lockdown ang Norgazaray Street sa Quiapo habang ongoing ang forensic and ordnance police teams sa pag secure at pag proseso sa blasts sites.