Ipinagmalaki ng Malacañang ang pagpasa ng17 mula sa 59 na priority bills ng legislative-executive development advisory council (LEDAC).
Ayon sa Presidential Communications Office, kabilang sa mga naisabatas na priority bills sa ilalim ng 19th Congress ay ang Sim Card Registration Act, New Agrarian Emancipation Act, Maharlika Investment Fund, Trabaho para sa Bayan Act, P-P-P code, at Rgional Specialty Hospitals Law.
Kasama rin ang Automatic Income cCassification ng LGUs, Ease of Paying Taxes, Tatak Pinoy Act, Internet Transactions Act, Salt Industry Development Act, New Philippine Passport Act, Negros Island Region Act, at apat na iba pang batas.
Sinabi ng PCO na isinulong ang mga batas para sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo-publiko at mabilis na pag-unlad ng iba’t ibang sektor.