-- Advertisements --

Idineklara ni Pangulong FerdinandMarcos Jr. ang April 22, 2025 bilang Day of National Mourning bilang pagkilala sa pagpanaw ng National Artist for Film and Broadcast Media ang Superstar na si Nora Cabaltera Villamayor o mas kilala bilang Nora Aunor.

Batay sa inilabas na Proclamation number 1390 (s. 2022), kinilala si Nora Aunor bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng pelikula at broadcast arts dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa sining at kulturang Pilipino.

Ang pagpanaw ni Nora Aunor ay isang malaking kawalan hindi lamang para sa kanyang mga mahal sa buhay kundi pati na rin sa buong sambayanang Pilipino at sa artistic and cultural community.

Sa bisa ng proklamasyon, inaatasan ang lahat ng tanggapan at gusali ng pamahalaan sa buong bansa at sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa na i-halfmast ang watawat ng Pilipinas.

Nilagdaan ng Pangulong Marcos ang proclamation kahapon April 21,2025.

Kaninang umaga ginawaran ng Necrological tribute si Nora Aunor na pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts.

Samantala, ililibing si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani.