-- Advertisements --

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa rin siyang ine-endorso para sa pagkapangulo para sa darating na halalan sa Mayo 9.

Ito ay matapos ang kanyang naging pahayag sa Narvacan, Ilocos Sur kung saan ay sinabi niya sa kanyang mga ilokanong tagapakinig na maaaring pumili ng isang Ilocano ang mga ito na susunod na mamumuno sa bansa.

Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, walang susuportahan na kahit na sinong presidential candidate ang pangulo maliban na lamang kung magbago ang isip nito at kung may matibay aniya na dahilan sa likod nito.

Aniya, kilala ng marami ang pangulo at ang hilig nito sa paglalaro ng mga salita kung kaya’t mas mabuti kung aantayin na lamang ng lahat ang magiging desisyon nito.