Inilabas na ng Malakanyang ang veto message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr kung saan ipinapakita dito ang appropriations sa panukalang pambansang budget na nai- veto.
Nakapaloob sa general comments ng veto message ng Pangulo na kailangang masigurong maipatutupad ang fiscal discipline sa gitna ng target na makamit ang Agenda for Prosperity.
Sa bahagi ng direct veto ng Pangulo, tinukoy dito ang ilang items of appropriation na aniyay hindi consistent sa program activities ng pamahalaan o hindi naaayon sa 8 point agenda ng Marcos administration.
Kabilang dito ang higit na P26 billion pesos na programa at Proyekto ng DPWH gayundin ang unprogrammed appropriations na nasa mahigit P168 bilyong Piso.
Ibig sabihin, mawawala o deleted na ang nasabing halaga sa DPWH dahilan para bumaba din ang budget ng ahensiya.
Isinailalim naman sa conditional implementation ang ilang programa na may kinalaman sa pagbibigay ng ayuda gaya ng AKAP program o ang Ayuda sa Kapos ang Kita.
Ibig Sabihin, ang implementasyon ng programa ay gagawin sa pamamagitan ng polisiya at guidelines na babalangakasin ng DSWD , NEDA at DOLE.
Kahapon pinagtibay na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang 2025 national budget.
Ipinaliwanag naman ni Pangandaman na ang na veto na P194 billion ay mga progmarang hindi kabilang sa prayoridad ng administrasyon.