-- Advertisements --
Sal Panelo
Sec Salvador Panelo/ FB image

Ipapaubaya na lamang ng Malacañang sa mga mambabatas sa pagpasa ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill.

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na irerespeto nila ang anumang pananaw at magiging desisyon ng mga mambabatas kaugnay ng panukalang batas.

Nauna ng ipinahayag ni Senate President Vicente Tito Sotto III na walang pag-asang maipasa ang nasabing panukalang batas.

Nabuhay ang nasabing usapin matapos na pagbawalan ang transgender na si Gretchen Diez na makapasok sa palikuran ng pambabae sa isang mall.