-- Advertisements --

Naniniwala ang Malacañang na alam na ng Department of National Defense (DND) at Philippine Coast Guard (PCG), ang dapat na tugon ng pamahalaan, kaugnay sa napaulat na muling paglalagay ng Chinese maritime militia vessels ng floating barriers sa Bajo de Masinloc.

Kung matatandaan, kahapon, kinumpirma ng PCG ang muling paglalagay ng China ng floating barriers sa Southeat entrance ng Bajo de Masinloc, upang mapigilan ang mga Pilipinong mangingisda na makapasoko sa lugar.

Ayon kay Palace Press Officer Usec Claire Castro na bagamat hindi maaaring isapubliko ng pamahalaan ang anomang operasyon ng gobyerno sa rehiyon, buo naman ang kumpiyansa ang Palasyo sa anomang magiging desisyon o susunod na hakbang ng mga ito.

Nang tanungin naman kung posibleng ipagutos muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatanggal ng floating barriers tulad ng 2023, sabi ng opisyal, wala pang napaguusap na ganitong, aksyon, at hinihintay rin nila ang ulat on ground, at kung ano ang maaaring maging aksyon ng mga kinauukulang tanggapan.

” Wala pa po tayong nadidinig na may ganitong klaseng plano. Hintayin na lamang po natin kung ano ang maaaring maging report at ano ang maaaring maging aksiyon po ng nasabing mga ahensiya,” pahayag ni USec. Claire Castro.