-- Advertisements --
Mariing itinanggi ng Malacanang na nagbitiw sa kaniyang puwesto si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na walang katotohanan ang ulat na nagbitiw si Bersamin.
Una rito, napaulat na may nakaambang mass courtesy resignations sa Malacañang kung saan kabilang umano rito ang kalihim.
Nabatid na mayruong magre-resign na mga opisyal subalit hindi kasama dito si Bersamin.
Magugunita na nuong nakaraang taon, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Bersamin bilang executive secretary kapalit ni Atty. Vic Rodriguez.