-- Advertisements --

Suportado ng Malacañang ang planong imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga usaping kinahaharap ng hosting ng Pilipinas sa 2019 South East Asian (SEA) Games.

Pero magsasagawa rin umano ng hiwalay na imbestigasyon ang Office of the President (OP) kaugnay dito.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, agad na gugulong ang imbestigasyon ng OP sa mga naitalang aberya sa oras na matapos na ang SEA Games.

Ayon kay Sec. Panelo, sa ngayon ay hayaan munang magpatuloy ang patimpalak nang wala nang batikos.

Kasabay nito, tiniyak ni Sec. Panelo na walang “sacred cow” sa gagawing imbestigasyon kahit pa kaalyadong opisyal ang tatamaan.

Samantala, nais ng Malacañang na libre o 50 porsyentong diskwento ang ibibigay sa mga estudiyanteng gustong manood sa mga laro ng mga atletang Pilipino.

Una ng hiniling ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Nukes Puentevella na gawing libre na ang panonood sa SEA Games para makapunta lahat ng gustong magbigay suporta sa ating mga atleta.