-- Advertisements --

Binalaan ng Malakanyang ang mga supporters ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na huwag lumampas sa itinakda ng batas lalo na ang pagsasagawa ng kilos protesta.

Sinabi ng Palasyo na malayang makapagsasagawa ng pagtitipon ang mga supporters ni dating Pangulong Duterte para sa kaarawan nito .

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na bahagi ng constitutional rights ng mga Pilipino ang magsagawa ng anomang pagtitipon at wala aniyang pipigil sa kanila.

Paalala lang ng Malakanyang na huwag lalampas sa limitasyon at gawin ang pagpapahayag ng damdamin base sa itinatakda ng batas.

Sinabi ni Castro na ibang usapan na kapag nagbitiw na ng katagang may kinalaman sa pagpapabagsak ng Pamahalaan, maghasik ng takot at magkaruon ng panghihikayat na magalit sa gobyerno.

Pagtiyak ni Castro ang ganitong mga pahayag ay hindi palalagpasin ng gobyerno.