Nakilahok ang Office of the Press Secretary at ilang tauhan ng Malacanang sa isang tree planting activity sa lalawigan ng Bulacan.
Mismong si OPS-OIC Undersecretary Cheloy Garafil ang nakibahagi sa isinagawang pagtatanim ng punong kahoy na isinagawa sa may Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Ang aktibidad ay kaugnay ng ‘Plant for Life” tree-planting project ng isang water concessioner na kung saan, target nitong
makapagtanim ng isang milyong puno sa Ipo Dam bago matapos ang taong 2022.
Sinabi ni Garafil na ang pakikilahok ng OPS sa proyekto ay parte ng pagsunod nito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay upang bigyang-solusyon ang kakulangan sa suplay ng kuryente at tubig gayundin upang mabawasan ang pinsalang dala ng pagbabago ng klima.
Matatandaan nitong ginawang aerial inspection ng Pangulo nitong Martes sa Maguindanao ay napansin nito ang matinding pagkakalbo na ng mga bundok sa lalawigan na nakadagdag sa matinding pinsala ng probinsiya nitong nakaraang bagyong Paeng.