Nanawagan ang Malacañang sa mga opisyal ng Philippine Olympic Commitee (POC) huwag idawit ang Philippine sports sa pulitikahan sa loob ng organisasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na dapat ilayo ang pulitika sa palakasan.
Nararapat na magsama-sama ang lahat para sa pagsuporta sa mga atleta ng bansa na nakatakdang sumabak sa nalalapit South East Asian Games na gaganapin sa bansa.
Nanindigan ang Malacañang ang buong suporta kay Philippine Olympic Committee chairman Abraham “Bambol” Tolentino.
Sina Tolentino at POC president Ricky Vargas ay siyang magkasama subalit tanging si Vargas lamang ang siyang nagsulong ng reorganization.
Pinalitan ni Vargas si Jose Cojuangco Jr at ilang mga kaalyado nito dahil sa isyu ng lack of trust and confidence.