Nanawagan ang Malacañang sa mga kababayan natin na mga senior citizen na magpabakuna na laban sa COVID-19.
Ang panawagan ay matapos na ay matapos na makapagtala ng nasa 6.6% COVID-19 positivity rate at mga kaso ng Omicron variant ang Pilipinas.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, sa ngayon ay mayroong 210 million na mga COVID-19 vaccine doses ang bansa at sa kasalukuyan ay nasa 1.5 million pa ang bilang ng mga senior citizen ang hindi pa nababakunahan laban sa nasabing virus.
Kayang-kaya aniyang punuin ng bilang na ito ang mga ospital sa bansa.
Kung kaya’t patuloy na hinihimok ng mga kinauukulan na magpabakuna na ang mga nasabing indibwal laban sa COVID-19.
Aniya, hindi dapat na makampante ang bawat isa dahil ang banta ng Omicron variant ng COVID-19 ay hindi biro.
Bukod dito ay patuloy din na hinimok ni Nograles ang publiko na magpatuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols tulad na lamang ng palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, social distancing, at pagpapabakuna dahil hindi aniya nanaisin ng bawat isa na simulan ang taong 2022 ng mga surge ng mga kaso ng COVID-19.