Ipinag-utos ng Palasyo Malacañang partikular ni Executive Sec. Lucas Bersamin sa Anti-Money Laundering Council na i-freeze o i-hold ang buong compound at iba pang assets ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sinalakay sa Tarlac noong nakalipas na buwan.
Nag-isyu din ng memorandum si Bersamin na nag-uutos sa DOJ at BI na mag-facilitate ng summary deportation ng 499 manggawang banyaga na nasagip sa isinagawang raid sa Zun Yuan Technology Inc. noong Marso 13.
Ang naturang kompaniya ay mayroong 10 ektaryang compound na may 36 multistory buildings.
Ang ginawang raid ay base sa 2 inisyung search warrant ng korte para sa umanoy human trafficking at serious illegal detention ng POGO workers.
Nasa kabuuang 868 POGO workers ang nasagip kabilang ang 1 Filipino, 427 Chinese, 57 Vietnamese, 8 Malaysians, 3 Taiwanese, 2 Indonesians at 2 Rwandans.