-- Advertisements --

Kinumpirma ng Office of the Executive Secretary na nakalabas na ng Pilipinas si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, nakasaad dito na lumipad na si Guo patungong Malaysia, saka nag tungo sa pamilya nito sa Singapore at bumyahe patungong Indonesia, kung saan tumutugma sa unang impormasyon na inilabas ni Senator Risa Hontiveros.

Dahil dito inatasan ni Bersamin ang Department of Foreign Affairs at ang Department of Justice na kanselahin na ang pasaporte ni Alice Guo o Guo Hua Ping.

Kasama rin sa pinakakansela ang pasaporte ng kanyang pamilya, partikular sina Wesley at Sheila Guo at Katherine Cassandra Ong.

Nabatid na meron nang inilabas ang Senado na arrest warrant laban kay Guo at sa kanyang pamilya, at pinapa-cite in contempt na rin ito ng House of Representative dahil sa bigong pagdalo sa hearing.

Maliban pa ito sa kasong criminal na isinampa sa kanya dahil sa qualified trafficking at iba pang kaso na may kinalaman sa POGO.